Nagkakaroon na nga ba ng iringan ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa kinanselang huling presidential at vice presidential debate na isasagawa sana nitong Abril 23-24?

Lumitaw ang katanungan matapos irekomenda ni Comelec Commissioner Rey Bulay na sibakin muna sa puwesto sina Comelec spokesperson James Jimenez at Education and Information Department (EID) director Frances Arabe.

Layunin ni Bulay na magkaroon ng pantay na imbestigasyon kaugnay ng pagkakautang ng Impact Hub Manila na event organizer ng PiliPinas Debates 2022, saSofitel Garden Plaza na nagsilbing official venue ng mga nakaraang debate.

Aabot sa14 milyon ang naging utang ng Impact Hub sa Sofitel, ayon sa Comelec.

National

Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’

“To continue the duties of Directors Jimenez and Arabe in the Education and Information Department (EID), it was recommended that temporary replacements be designated.Albeit, to prevent disruption in the essential election operations, the elections being a few days away, Director Jimenez and Arabe were recommended to continue other functions under the supervision of their committee heads,” ang bahagi ng rekomendasyon ni Bulay kay Comelec chairmanSaidamen Pangarungan.

Ang trabaho nina Jimenez at Arabe ay may kinalaman sa media relations at exposure.

Idinagdag pa ni Bulay na may nakitang dahilan ang Task Force PiliPinas Debates 2022 upang masimulan ang pagsasagawa ng fact-finding at administrative disciplinary investigation sa usapin.

Jun Fabon