Kapatid ni Kapuso TV personality at host na si Joyce Pring-Triviño ang tumatakbong konsehal o konsi ng District 2 sa Quezon City na si Victor Pring, na isang Kakampink, subalit tumatakbo bilang independent.

Pasok si Pring sa listahan ng mga 'pinakagwapong kumakandidato' ngayong paparating na May 9 elections, subalit nais niyang patunayan sa mga botante na hindi lamang charm at looks ang meron siya kundi kahusayan sa pamumuno at pagmamalasakit para sa kanila.

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Abril 27, nakararanas man siya ng 'pangmamaliit' mula sa ibang tao dahil wala siyang kinabibilangang partido, makinarya, o pera, alam niyang meron siyang isang bagay na wala ang iba: ito raw ay Diyos.

"Ok lang po kahit minamaliit n'yo ako dahil wala akong partido, makinarya o pera. Meron naman ako yung wala kayo. Diyos! Si Papa God na po ang bahala sa May 9. Basta ako binigay ko ang best ko. God bless you all po," ani Victor.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bagama't Kakampink o tagasuporta nina VP Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan, natutuwang ibinahagi ni Victor na may mga lumalapit daw sa kaniya na nagpahayag ng pagsuporta para sa kaniyang kandidatura, kahit na magkakaiba sila ng manok sa pagkapangulo.

"Nakakatuwa yung mga lumalapit sa kin at nagme-message. "Konsi kahit iba tayo ng presidente, IKAW PO ANG KONSEHAL KO” maraming salamat po God bless you," aniya.

'Kidlat ng QC' ang tawag sa kaniya na siya, na siya ring nasa likod ng 'Kidlat Festival'. Mabilis na aksyon at edukasyon ang pinaghahawakan niyang motto sa kaniyang kandidatura.

"Si Victor Pring, nakikinig sa mga hinaing, mulat sa pulso ng taumbayan, mabilis na aksyon at edukasyon ang sagot, at namumuno upang maglingkod (hindi naglilingkod upang mamuno)," saad sa profile ng kaniyang website.

Kaibigan niya ang kapwa Kakampink at anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Gab Valenciano, na kamakailan lamang ay usap-usapan dahil sa kaniyang energetic na chant na 'Ang Presidente, Bise Presidente' na kinakanta niya sa pagha-hype ng mga taong nagtutungo sa mga sortie ng Leni-Kiko tandem.

May be an image of 4 people, people standing, indoor and text that says 'LENI KIKO'
Victor Pring, Gab Valenciano, Regine Velasquez, at Gary Valenciano (Larawan mula sa FB/Victor Pring)

Nakilala si Victor bilang isang radio host ng Magic 89.9 bago pasukin ang politika.