Nagsalita na ang labor leader at presidential aspirant na si Ka Leody de Guzman kung sino nga ba ang kanyang iboboto sa pagkapangulo para sa darating na halalan.
'Undecided' ang boto ng labor leader sa kanyang pagpili sa 'Speak Cup' ng isang convenience store, na kanya naman ibinahagi sa isang tweet.
"Sa mga di informed. Nakaboto na ako sa #SpeakCup ng @711philippines. Protest vote ito sa corporate gimmickry ng wala naman inaambag sa pagpapataas ng diskursong elektoral," ani de Guzman sa kanyang Twitter account.
Aniya, "Ipanalo natin si Undecided!"
Ang Speak Cup ay pakulo ng naturang convenience store para sa eleksyon 2022 kung saan makikita sa cup ang mukha ng mga presidential candidate.
Kabilang sa mga pagpipilian ay sina Ferdinand "Bongbong" Marcos, Bise Presidente Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Panfilo "Ping" Lacson, at Sen. Manny Pacquiao.
Samantala, nauna nang nagpaalala ang pamunuan ng convenience store na palagiang i-check ang resibo kung sakaling bibili nito.
"We continue to remind all customers to ask for and check their receipts to make sure these reflect their purchases, which is always good practice when buying anything from any retailers, but especially helpful to us in this particular endeavor," pahayag ng convenience store.