Nananawagan umano ang ilang mga Kakampink na ipasok na sa line-up ng mga senatorial candidate si Partido Reporma member at dating action star na si Monsour Del Rosario, matapos mabakante at matanggal si Migz Zubiri dahil sa hayagang pagsuporta sa BBM-Sara tandem.

Kamakailan lamang ay nagpahayag ng pagsuporta si Del Rosario sa Leni-Kiko tandem. Matatandaang nagbitiw si presidential candidate at Senador Ping Lacson bilang chairman at standard bearer ng Reporma. Napabilang naman si Del Rosario sa grupong 1Sambayan na ngayon ay may kabuuang 11 kandidato; 8 dito ay kabilang din sa opisyal na Tropang Angat slate.

“Nagpapasalamat ako sa mga netizen at supporters nina VP Robredo at Sen. Pangilinan sa kanilang pagtitiwala sa akin pero ang Leni-Kiko team lang ang makakapagdesisyon kung gusto nila akong isama sa kanilang official slate o hindi," ani Monsour.

“Sa huli, ang mga botante ang magdedesisyon kung sino ang gusto nilang maging susunod na senador. Kaya naman narito rin ang ating 1Sambayan slate para mag-alok ng mga alternatibo,” dagdag pa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Nakakagaan ng loob na makita ang mga tao na nagkakaisa para sa layuning mapabuti ang ating bansa. Tingin ko hindi ang pagkakasama ko sa 1Sambayan ay hindi lang nagkataon."

“Pakiramdam ko nakatadhana ako dito dahil ang layunin ko sa pagtakbo bilang senador ay lubos na naaayon sa layunin ng mga taong sumusuporta sa 1Sambayan at sa Leni-Kiko tandem."

“Lahat tayo ay may iisang hangarin na i-angat ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng isang mapagkakatiwalaang pamahalaan na nakatuon sa tunay na serbisyo publiko,” saad pa ng dating aktor.

Bago maging action star, isa munang atleta ng taekwondo sa 1989 Seoul Olympics si Del Rosario.

Sa loob ng 9 na taon, naglingkod siya bilang konsehal ng District 1 ng Makati sa loob ng dalawang termino.

Mula 2016 hanggang 2019 naman ay naging konsehal siya. Nakapagsulong umano siya ng 292 na mga panukalang batas at resolusyon.

Kung sakaling maluklok sa Senado, nakatakda raw niyang isulong ang pagkakaroon ng healthcare heroes card law para sa medical frontliners, pensyon para sa mga atleta na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas, maayos na sistema ng edukasyon at pag-unlad para sa mga batang may different learning abilities, at pagtulong sa mga magsasaka upang mapabilis ang mga benepisyong kailangan nilang matanggap mula sa pamahalaan.