Hindi na ipalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang Hollywood movie na 'Uncharted', dahil sa isang eksena nito patungkol sa 'nine-dash line', anginvisible demarcation na nagpapakita ng claim ng bansang China sa South China Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakiusap sila sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na muling suriin ang naturang adventure movie na pinagbibidahan ni Tom Holland. Ang naturang nine-dash line ay taliwas umano sa national interest ng bansa.

Nakiusap umano ang MTRCB sa ColumbiaPictures Industries Inc., saka lamang maaaring mapanood sa Pilipinas ang naturang pelikula kung tatanggalin ang naturang objectionable scene.

"The nine-dash claim is contrary to national interest, which has been settled in the 2016 Arbitral Award. The Arbitral Tribunal held that China’s nine-dash line has no legal basis as its accession to UNCLOS has extinguished any of its rights that it may have had in the maritime areas in the South China Sea," ayon sa pahayag ng DFA.

Tsika at Intriga

Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko

"China also never had historic rights in the waters within the nine-dash line," dagdag pa.

Desperately seeking adventure: A review of 'Uncharted' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Hindi ito ang unang beses na na-block ang naturang pelikula sa isang bansa. Noong Marso, hindi ito pinayagang mapanood sa bansang Vietnam dahil sa kaparehong isyu.