Usap-usapan ang pagtalak ni Kapuso comedian Pokwang sa direktor ng GMA Network na si Rado Peru at aktor na si DJ Durano dahil sa kanilang mga social media posts laban sa kaniya, nitong Abril 27, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/28/pokwang-nanggalaiti-sa-direktor-ng-gma-na-si-rado-peru-at-aktor-na-si-dj-durano/">https://balita.net.ph/2022/04/28/pokwang-nanggalaiti-sa-direktor-ng-gma-na-si-rado-peru-at-aktor-na-si-dj-durano/

Kilala ang direktor na si Conrado 'Rado' Peru bilang isa mga direktor ng drama anthology na 'Magpakailanman' at ng iba pang drama series ng Kapuso Network.

Noong Martes, April 26, ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang tweet ang screengrab ng isang balita tungkol kay Elon Musk, ang bilyonaryong negosyante na nakabili ng Twitter sa presyong $44 billion.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Katapusan n'yo na mga trolls!! Next naman sana TikTok at FB na nag-aalaga at nagpapalaki ng mga trolls na 'yan!!” saad ni Pokwang.

Nangako kasi si Musk na pupuksain ang pagpapakalat ng mga unwanted promotional content sa Twitter.

Ginamit ni Direk Rado sa social media post nito ang tweet ni Pokwang kasama pa ang litrato nito.

“Boboto yung mga tinatawag n'yong 'Trolls' sa May 9 at ipapamukha namin sa inyo kung sino ang gusto namin… at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin…" pahayag ng direktor.

Nagkomento naman sa kaniyang post ang aktor na si DJ Durano na dating karelasyon umano ng namayapang direktor ng ABS-CBN at Star Cinema na si Direk Wenn Deramas.

“Feeling sikat s'ya, di naman. Sa ABS-CBN lang napansin ‘yan, feeling nya Ai Ai siya, ang layo maryosep," pasaring umano ni DJ.

Inilabas naman ni Pokwang ang kaniyang saloobin tungkol dito.

"Sino nakakakilala sa napaka-unprofessional na direktor na ito sa GMA? Rado Peru? Basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan trolls ang sinabi ko!!"

"Troll ka ba kaya ka triggered? Pero ikaw pinagbantaan mo ako at using my picture pa talaga ano po? Ihiwalay mo ang politika sa trabaho sana po di ba? Pwede kita idemanda po fyi!”

Hindi rin nakaligtas sa kaniyang talak si DJ Durano.

"At ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? Nagfi-feeling Ai Ai ako??? Hahahahaha unang-una oo sikat ako kumpara sa'yo tah ka plastik ka!!! Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto n'ya! Kapal ng mukha mo! Kung sino man mga friend n'ya dito paki-paabot sa kaniya ito plastik siya!!"

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, agad silang nakipag-ugnayan kay DJ at kinuha ang panig nito.

'No comment' daw ang unang sagot nito sa kanila, subalit nang kinalaunan, inamin nitong nagkausap na sila ni Pokwang.

"No worries. Nag-usap na kami," sey ni DJ

Sa tanong na may nais ba siyang ibigay na mensahe kay Pokwang: "Nothing. Elections is temporary. Keep your friends."

"It’s just a misunderstanding. Wala yun, maliit lang ang industry. Hahaha!"

“Ganoon talaga ang heated emotions dahil sa politics. At least, nag-usap na kami after she posted it," aniya.

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula naman sa panig ni Pokwang tungkol dito.