Binawi na ni suspected drug lord Kerwin Espinosa ang kanyangtestimonya na nagsasangkot kay Senator Leila de Lima sa paglaganap umano ng iligal na droga sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Sa apat na pahinang affidavit na isinumite ng abogado nito sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Espinosa nawalang katotohanan angmga paratang laban sa senador at gawa-gawa lamang ang mga ito.
Paliwanag nito, kaya lang siya nagbigay testimonya laban kay De Lima dahil sa "pressure, pamimilit, intimidasyon at seryosong bantasa kanyang buhay at kanyang pamilya.'"
Wala rin aniyang naganap na mga transaksyon at wala rin siyang ibinibigay na pera sa senador.
Matatandaang sinabi ni Espinosa sa Senate hearing na kabuuang P8 milyon ang naibigay niya kay De Lima noong ito ay justice secretary pa.
Aabot din aniya sa P2 milyon ang ibinigaynto sa driver ni De Lima na si Ronnie Dayan sa may parking building sa isang mallnoong Oktubre 2015.
Binigyan din umano nito ng P1.7 milyon si Dayang sa Dampa,Macapagal Avenue para umano sa senatorial campaign ni De Lima.
Sinabi pa ni Espinosa na personal niyang nakita si De Lima sa BurnhamPark, Baguio City noong Nobyembre 22, 2015 kung saan nagbigay muli ito ng P2 milyon kay Dayang.
Noong Pebrero 2016, binigyan din nito ng P2.3 milyon ang senadora kaya umabot sa kabuuang P8 milyon.
Iginiit pa ni Espinosa na wala rin katotohanan ang mga testimonyaniya sa Senado noong Nobyembre 23, at Disyembre 5, 2016, at bunsod na rin ng pananakot lalo pa't ang kanyang ama na si MayorRolando Espinosa, Jr. ay pinaslang noong Nobyembre 6, 2016, ilang arawbago siya nagbigay ng testimonya siya tumestigo sa Senado.
Si Espinosa ay nakakulong pa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kaugnay ng kinakaharap na drug cases.
Kaugnay nito, nanawagan naman si senatorial aspirant Francis Pangilinan sa gobyerno na palayain na ang senador kasunod na rin ng nasabing hakbang ni Espinosa.