Hinangaan ng netizens ang isang artwork alay para sa ika-57 kaarawan ni Bise Presidente Leni Robredo.
Ang artwork ay gawa sa bigas, cardboard, glue, tyani, at acrylic paint.
Sa Facebook post ni Rogen Ureta Taran, 34, mula sa Bugasongan, Lezo, Aklan ngunit kasalukuyang naninirahan sa Norway, ibinahagi niya ang kanyang talento sa sining sa pamamagitan ng paglikha ng rice art tampok si Robredo sa loob lamang ng 15 oras.
Naniniwala rin si Taran na ang tambalang Leni-Kiko (Sen. Kiko Pangilinan) ang pinaka-qualified na mamuno sa Pilipinas.
"I believe that Leni and Kiko are the most qualified to run our country for many many reasons," ani Taran.
Kaya naman mensahe niya sa mga kapwa niya supporters ni Robredo at Pangilinan, patuloy na makiusap sa kapwa upang makahamig pa ng boto para sa Leni-Kiko.
Aniya, "We still have the time to inspire those who are undecided to vote for Leni and Kiko. At mabuhay lahat ng mga volunteers."