Ibinahagi ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ang kaniyang mga pink outfit na susuutin sa Miss Universe Philippines 2022.

"Powerful in Pink", saad ni Sandhu sa caption ng kaniyang IG post noong Abril 27, 2022.

Sa isa pang Instagram post, makikita ang pagrampa ng Miss U 2021 mula sa India suot ang eleganteng pink terno top na binagayan ng white skirt na dinisenyo ni Filipino fashion designer Marc Rancy. Ang nag-style sa kaniya ay sina Rain Dagala at Em Millan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Her stylist, Rain Dagala of Team RainxEm, wanted Harnaaz’s visit to Manila to be truly connected with the audience. A better way to do just that is by making the reigning Miss Universe wear one of our ternos,” saad ni Rancy sa panayam ng Manila Bulletin Lifestyle.

“I guess, I’m lucky to be chosen.”

Ipinaliwanag naman ni Rancy kung bakit kulay pink ang napili niya.

"I chose pink for what it symbolizes nowadays—hope and change. “With so many uncertainties on the horizon, pink, for me, is something that positively brings out the good in people, and that is the change we need," aniya.

“I felt that she deserved to wear something low-key but in style, and that beautiful face should always be the focal point. The dress is beautiful because she is beautiful, not the other way around. As a designer, that has always been my goal.”

Dumating na sa Pilipinas si Sandhu noong Linggo, Abril 24, para sa kaniyang special appearance sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa SM Mall of Asia Arena, sa darating na Abril 30.

Ang mayor ng Narvacan, Ilocos Sur na si Luis 'Chavit' Singson, kasama ang anak na si Architect Richelle Singson-Michael ang sumundo kay Sandhu mula sa India, at take note, ang gamit nila ay ang 12-seater private plane na Air Beauty One.

Magsisilbing mga host ng Miss Universe PH 2022 sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters Tebow.