Pinalagan ng sexy aktres at Beauty Queen na si Maria Isabel Lopez ang isang tweet na nagsabing supporter siya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong 1980s.

"Wow. Di ba Marcos yan siya dati sa pagkaalala ko. Nung 80s," tweet ng isang netizen sa isang video interview ng beauty queen tungkol sa kung sinong pangulo ang kanyang iboboto.

"Never! I was in Edsa 1986," saad ni Lopez sa isang tweet nitong Huwebes, Abril 28.

https://twitter.com/beautyqueenmil/status/1519488368815476736

Certified kakampink o taga suporta ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo si Lopez. Sinabi niya sa nasabing video na "Martial Law baby" siya. Nasaksihan din niya umano ang pagsasara ng ABS-CBN noong panahon ni dating Pangulong Marcos.

Katunayan, nagsagawa ng San Francisco People Power for Hope and Democracy in the Philippines noong Sabado, Abril 23, 2022 si Lopez, anak na si Mara at kapwa nilang kakampink sa San Francisco, California bilang suporta sa Leni-Kiko tandem.

"FYI my sexy films shown at ECP were used as a political tool to distract the restless citizens," dagdag pa niya.

Ang isa sa kanyang mga pelikulang ipinalabas noon sa Experimental Cinema of the Philippines (ECP) ay ang "Isla" na ginawa noong 1985. Kasama niya rito ang mga batikang artista na sina Joel Torre, Paquito Diaz, at Gil de Leon.