Batay sa pinakahuling resulta ng survey mula sa RP-Mission and Development Foundation (RPMD) ang dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at senatorial candidate Mark A. Villar ay muling nanguna sa senatorial survey para sa paparating na halalan sa Mayo 2022, na may 72.6%.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Abril 17-21, gamit ang face-to-face interviews sa 10,000 na rehistradong botante sa buong bansa, mayroon itong (+/-) 1% margin error.

“Maraming salamat po ulit sa RPMD, isang malaking karangalan po ulit na manguna sa senatorial survey. Mas lalo ko pa pong pag bubutihan ang aking serbisyo publiko. Nakakataba po ng puso na maraming sumusuporta sa akin”, sabi ni Villar.

Sinundan si Mark Villar (72.6%) ni Antique Representative Loren Legarda (67.1%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (61.5%), ang broadcaster na si Raffy Tulfo (60.3%), dating House Speaker Alan Cayetano (53.8%) at si Sen. Win Gatchalian (52.4%).

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Kasama rin sa listahan ng mga napupusuang kandidato sa pagkasenador ay sina Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri (51.7%), dating Bise Presidente Jejomar "Jojo" Binay (44.8%), ang artist ana si Robin Padilla (43.6%), dating Senador Gringo Honasan (43.2%), Sen. Joel Villanueva (37.5%) at dating Senador JV Estrada Ejercito (34.8%)

Samantala, hindi naman lumalayo ay sina dating Senador Jinggoy Estrada (33.5%), Sen. Dick Gordon (31.2%), Sen. Risa Hontiveros (30.8%), dating Tagapagsalita ng Pangulo na si Sec. Harry Roque (29.6%), dating Kalihim ng Defense Gilbert Teodoro (26.3%) at si dating alcalde ng Quezon City na si Herbert Bautista (25.1%).

“Maraming salamat po sa mga naniniwala sa atin, asahan niyo na akin pong ipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng Build Build Build Program upang makapagbigay ng kabuhayan para sa mga manggagawang Pilipino. Patuloy kong isusulong ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawa”, dagdag ni Villar.

Si dating Chief ng Public Works and Highways Villar ay nanguna na rin sa nakaraang senatorial  survey ng RPMD na isinagawa noong Pebrero 22-28 sa buong bansa.