Hinikayat ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes ang publiko na magpabakuna na laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa lalong madaling panahon.
Ito’y matapos na matukoy na sa bansa ang unang kaso ng Omicron BA.2.12 sub-variant na mas mabilis kumalat, gayunman, wala pang ebidensiya na nagiging sanhi ng mas malalang karamdaman.
“Initial findings and data suggest that Omicron BA.2.12 spreads faster. There is currently no evidence that it can cause more severe disease,” pagdidiin ng DOH.
“Omicron BA.2.12 sub-variant reminds us that the virus is still out there, and cases can go up the moment we let our guard down.The DOH thus implores the public to get boosted ASAP, as immunity is proven to wane over time. Further, all eligible immunocompromised individuals are encouraged to already get their second booster or 4th dose,” ayon sa ahensya.
Nanawagan din ang ahensya sa mga indibidwal na hindi pa nababakunahan na magpaturok na ng kanilang Covid-19 primary series o ang una at pangalawang dose ng bakuna.
“Finally, every Juan and Juana should get vaccinated with the primary series if not yet done to strengthen our defenses against any variant,” anito pa.
Matatandaang noong Miyerkules, iniulat ng DOH na natukoy na nila ang unang kaso ng BA.2.12 Omicron sub-variant sa bansa.
Ang pasyente ay isang 52-anyos na babaeng taga-Finland na dumating sa bansa noong Abril 2.
Nagkaroon umano ang pasyente ng 44 close contacts, kabilang ang siyam na mula sa Quezon City, lima sa Benguet, at 30 sa eroplano pabalik sa Maynila.
Nakarekober naman na ang pasyente at nakabalik sa kanilang bansa noong Abril 21.