Patay ang isang 44-anyos na ginang at isang menor de edad na anak na lalaki matapos makulong sa nasusunog na bahay sa LasPiñas nitong Huwebes ng madaling araw.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, natusta ang mag-inang sina Angelita Supilanas, at Dargie Supilanas, 12, nang matagpuan ng mga bumbero sa loob ng kanilang bahay.
Isinugod naman sa ospital sinaDolly Omega, 27;ReginalAlgarme, 16; at Niño Bautista, 28, matapos malapnos ang kanilang katawan.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP)-LasPiñas, ang insidente ay naganap sa bahay ng mag-ina sa No. 55Leo St., Aristocrat Village, Barangay Talon Tres dakong 2:44 ng madaling araw kung saan nangungupahan ang isang Dolly Omega.
Sinabi ng BFP, biglang lumiyab ang silid nainuupahan ni Omega at mabilis na gumapang sa buong bahay at lingid ito sa kaalaman ng mag-ina na natutulog sa katabing kuwarto.
Umabot sa unang alarma ang sunog at naapula dakong 4:02 ng madaling araw, ayon kay Fire Senior Insp. Ma. Luisa Andrade.
Tinatayang aabot sa P100,000 na halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog. Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.