Hinikayat ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules ang publiko, partikular na ang mga magulang, na iparehistro na ng maaga ang kanilang mga anak para sa School Year 2022-2023.

Idinahilan ng DepEd, matatapos na sa Abril 30, 2022 angearly registration para sa nasabing taong panuruan.

“Sama-sama sa ligtas na balik-eskwela! Magpa-early register na sa inyong mga paaralan! Magpa-early register na hanggang ngayong Sabado, Abril 30," ayon sa DepEd.

Kaugnay nito, iniulat rin ng DepEd na sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 2.7 milyong estudyante ang lumahok sa kanilang early registration activity, na sinimulan noong Marso 25, 2022.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Sa huling datos ng early registration nitong Abril 26, 2022, umabot na sa 2,729,107 ang nagpa-early register na mga mag-aaral na papasok sa Kindergarten, Grades 1, 7, at 11.

Pinakamarami anila ang nagrehistro sa Region 4A na nasa 265 031, kasunod ang Region 5 na may 239,672, at Region 7 na may 209,791.

Mary Ann Santiago