Nanawagan sa gobyerno si Senatorial candidate Jose Manuel ‘Chel’ Diokno nitong Huwebes, Abril 28, para sa patuloy na pagkaantala sa rehabilitasyon ng Marawi City at sa pag-aayos ng mga titulo ng lupa ng mga lumikas na residente.

Sinabi ni Diokno, isang human rights lawyer, na malayong natapos ang rehabilitasyon ng Marawi mula noong nangyari ang Marawi siege noong Mayo hanggang Oktubre 2017.

“Halos limang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang bakbakan pero hanggang ngayon, hindi pa rin nakababangon nang tuluyan ang Marawi City,” aniya.

“Bukod pa riyan, marami pa ring residente ng siyudad ang hindi pa nakababalik sa kanilang mga tahanan at nananatili pa rin sa tinatawag na,” dagdag ni Diokno.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sinabi ng beteranong abogado na hindi pa natutugunan ng gobyerno ang isyu ng pagmamay-ari ng lupa ng mga lumikas na residente.

“Dapat resolbahin na ito ng gobyerno sa lalong madaling panahon upang mawala ang pangamba ng mga residente na wala na silang lupang babalikan sa Marawi,” ani Diokno.

Ipinunto ni Diokno na ang mga isyu sa pagmamay-ari ng lupa ay dapat agad na matugunan upang hindi ito makahadlang sa mga gawaing rehabilitasyon na isinasagawa ng gobyerno.

Kung mananalo siya sa isang puwesto sa Senado, hinahangad ni Diokno na magkaroon ng akes sa libreng legal na tulong sa bawat baryo, tulad ng Free Legal Helpdesk na inilunsad niya sa kanyang Facebook page, para mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.

Plano rin ni Diokno na itulak ang isang independiyenteng komisyon na mag-iimbestiga sa mga pang-aabuso na umano'y ginawa o sulsol ng mga person in authority, upang maiwasan ang pagtatakip at matiyak na mapaparusahan ang mga dapat na magpapatupad ng batas kapag tahasan silang lumabag dito.

Raymund Antonio