Nakatakdang ilabas ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang kanilang ruling kaugnay ng apela laban sa pagbasura sa disqualification case ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Sa isang pulong baliltaan nitong Huwebes, ipinaliwanag ni Comelec chairperson Saidamen Pangarungan na nakapirma na sa resolusyon ang limang commissioners at dalawa na lang ang hindi pa lumalagda, kabilang na ang naturang opisyal.

"Very soon we will be announcing the decision on the three consolidated cases to disqualify BBM (Marcos' initials). Sana, siguro early next week mai-announce na natin ang decision.Dalawa na lang ang hindi pa pumipirma, kasama na ako doon sa dalawa," paliwanag nito.

Paglilinaw ni Pangarungan, tatlong kaso lang ang ireresolba nila dahil ang ika-apat na kaso ay katatanggap lamang kamakailan.

"Baka wala nang oras to consolidate itong pang-apat na kaso kasi kapapasok lang sa En Banc. So ang mari-resolve natin kaagad yung three consolidated cases,” sabi nito.

Ang mga petisyon ay hiwa-hiwalay na isinampa sa Comelec ng mga lider ngAkbayan party-list,Partido Federal ng Pilipinas (PFP),Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), at ng Pudno Nga Ilokanona humihiling na pag-aralan muli ang kanilang desisyon sa pagbasura sa disqualification case laban kay Marcos.

Noong Abril 20, ibinasura ng Comelec 1st Division ang huling disqualification case laban kay Marcos dahil sa "kakulangan ng ngmerito."

Matatandaang iginiit sa mosyon na na-convict na si Marcos sa isang krimeng may katumbas na parusang tatlong taong pagkakabilanggo kaya dapat na umano itong i-disqualify sa pagkandidato sa anumang posisyon sa gobyerno.