Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes, Abril 28, sa mga botante na hindi maaaring manipulahin ng mga hacker ang resulta ng paparating na halalan, at sinabing secure ang sistemang ginagamit ng poll body; na walang sinumang makaka-hack dito.

Kamakailan, tatlong diumano'y hacker na nagsabing maaari nilang i-rig ang mga resulta ng halalan kapalit ng pera ang inaresto ng mga awtoridad. Humihingi sila ng pera sa mga kandidato, nangako sa kanila ng siguradong tagumpay sa botohan.

Sa isang press conference, ibinasura ni Comelec Commissioner Marlon S. Casquejo ang mga naturang pahayag ng mga hacker sa pagsasabing nanloloko lamang sila ng mga kandidato.

“Well, kahit ano pang gawin nila, they cannot manipulate the results of the elections,” aniya.

“That is how secured our system when it comes to our elections,” dagdag ng komisyuner.

Ayon sa kanya, “walang kwenta” ang sinasabing pagtatangka na kumuha ng data mula sa mga empleyado ng Comelec.

Binigyang-diin niya na ang tatlong indibidwal na nahuli kamakailan ay mga “scammer” lamang.

“Meaning they are pretending to know the system, pretending they can hack [into] the system when in fact, hindi nila kayang gawin ‘yun,” sabi ni Casquejo.

“Kahit sino hindi kayang gawin ‘yun.”

Noong Huwebes, Abril 28, sinabi ni Usec. Sinabi ni Cezar O. Mancao II, Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) chief ng DICT, ang tatlong hacker ay nakakuha ng impormasyon tungkol sa mga botante tulad ng "kanilang mga voting precinct at kung sila ay aktibo pa."

Sinabi ni Mancao na walang silbi ang impormasyong nakuha ng mga hacker dahil hindi pa rin nila kayang ma-hack ang sistema ng Comelec.

Nauna rito, binanggit pa niya na ang system na ginagamit ng Comelec ay gumagamit ng maraming secured firewalls, multilevel access, at encryptions.

Jel Santos