Umakyat na sa 44 ang nagingclose contact ng isang babaeng taga-Finland na nahawaan ng Omicron sub-variant na BA.2.12matapos magtungo sa Baguio City kamakailan, ayon sa Department of Health (DOH).

Binanggit ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire nitong Huwebes na sa nasabing bilang, siyam ang taga-Quezon City, lima ang taga-Benguet at 30 ang kasamahan niyang pasahero ng eroplanong sinakyan nito patungong Pilipinas.

Ang pahayag ni Vergeire ay batay sa report ng contact tracing unit.

Ito aniya ang unang kaso ng Omicron sub-variant sa bansa.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Dumating aniya sa Pilipinas ang nasabing 52-anyos na babae noong Abril 2.

Hindi na isinailalim sa routine isolation sa isang quarantine facility ang dayuhan dahil fully vaccinated naman ito laban sa Covid-19 at asymptomatic nang dumating ito sa Pilipinas.

Matapos madiskubreng nahawaan ito ng OmicronBA.2.12, isinailalim na ito sa 7-day isolation at pinalabas na sa quarantine facility matapos makarekober.

Bumalik na rin ang pasyente sa kanilang bansa noong Abril 22, ayon sa DOH.

"The public can avoid all variants, whether new or currently circulating, by continuing to wear the best-fitting mask, isolate when sick, double-up protection through vaccination and boosters, and ensure good airflow," pahayag ni Vergeire sa isang panayam sa telebisyon.

“The case then traveled to a university in Quezon City and then to Baguio City to conduct seminars. Nine days after her arrival in the country, she experienced mild symptoms such as headache and sore throat,” ayon sa DOH.

“She then tested positive for SARS-CoV-2 via Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) the next day. Upon detection of this confirmed COVID-19 case, the local epidemiology and surveillance unit (LESU) performed contact tracing,” sabi pa ng ahensya.

Matatandaang lumobo ulit ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa South Korea at7 United States dahil na rin sa nasabing Omicron sub-variant.