Apat na katao ang nasawi kabilang ang isang lalaking Austrian nang bumigay at bumagsak ang Clarin Bridge sa ibabaw ng Loboc River sa Loay, Bohol noong Miyerkules ng hapon, Abril 27.

Ibinahagi ng isang netizen na si 'Jiee Borja', na mula naman sa isang 'John Ceballos Garay', ang kuhang video ng isang babaeng Austrian national, na napag-alamang misis ng isa sa mga namatay sa insidente, habang naghihinagpis sa narecover na bangkay ng kaniyang mister na 30 anyos.

Ayon sa ulat, nagpunta sa Pilipinas ang mag-asawang Austrian upang maghoneymoon. Nagawa pa umanong basagin ng mister ang bintanang salamin ng kotse nila upang makatakas ang kaniyang misis, na napag-alaman ding buntis. Hindi naman pinalad makaligtas ang kaniyang asawa. Dead on arrival ito nang maitakbo pa sa ospital.

Samantala,mahigit 15 katao umano ang sugatan at kaagad na dinala sa ospital. Bumagsak ang tulay mga bandang 4:00 ng hapon. Ang tatlo pang nasawi ay pawang mga Pilipino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinasabing noong 2013 pa napinsala ang tulay dahil sa isang 7.2 magnitude na lindol. Patuloy pa rin itong dinadaanan ng mga motorista dahil hinihintay na matapos ang panibagong tulay sa tabi nito. Kabilang sa mga dumaan sa naturang bumagsak na tulay ang mga cargo vehicle.

Ayon kay Bohol Governor Art Yap, hindi nakayanan ng tulay ang dami ng mga sasakyang napatigil dito dahil sa stationary traffic, mula naman sa ulat sa kaniya ni Department of Public Works and Highways (DPWH) 3rd District chief Magiting Cruz.

“According to Department of Public Works and Highways (DPWH) 3rd District chief Magiting Cruz, bridge collapse was for flowing traffic. There were a lot of cargo vehicles on the bridge, that’s the reason why they collapsed,” aniya sa kaniyang Facebook Live.

"The bridge is only for flowing traffic. But the traffic became stationary and there were cargo vehicles there. And the bridge could not take the weight and that is the reason why it collapsed."