Sapat ang suplay ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa kasunod na rin ng pagsisimula ng pamahalaan para sa ikalawang booster shots.

Ito ang tiniyak ng National Task Force Against Covid-19 sa publiko nitong Miyerkules.

"So, almost 90 million'yungstockpilenatin.Of course,nababawasan iyan kada araw kase nakakabakuna tayo ng mga200,000 everydaypa rin para safirst dose, second doseatboosterna tuloy-tuloy naman," ayon kay Dr. Ted Herbosa, adviser ng task force.

Sa isang public briefing, mayroon na aniyang 254 milyong doses ng bakunang donasyon at nabili ang gobyerno at nakapagpaturokna rin ng aabot sa 145 milyon.

National

Tony Yang, hindi raw 'very close' kay ex-Pres. Duterte

Sa datos ng National Vaccinations Operations Center nitong Abril 26, umabot na sa 51,476,898 ang bakunado na sa bansa at nakatakda rin silang tumanggap ng unang booster shots.

PNA