Trending topic sa Twitter si Jillian Robredo kasunod ng ngayo’y viral video ng tensyonadong residente habang nagsasagawa ito ng “palengke run” kasama ang ilang volunteers sa isang public market sa Baguio City, Martes.

Unang lumitaw sa social media ang nasa sampung segundong kopya ng video kung saan makikita ang kabataang volunteers ni Vice President Leni Robredo. Sa parehong video maririnig ang tila nangangalaiting lokal na residente sa grupo at maririnig ang mga salitang,“Huwag mo akong sungit-sungitan nang ganyan. Dayuhan ka lang dito. Kami, Igorot kami!”

https://twitter.com/RSYU613/status/1518906176112513024

Agad na kumalat ang video sa ilang social media platforms dahilan para magtrend si Jillian sa Twitter, gabi ng Martes hanggang sa pag-uulat.

Mabilis din ang paglitaw ng kabi-kabilang kwento ukol sa umano'y tunay na dahilan ng tensyon sa kilalang baluwarte ng mahigpit na karibal ni Robredo sa Palasyo na si Bongbong Marcos Jr.

Kabilang sa mga nabanggit na alegasyon ay ang pambabastos umano ng bunsong anak ni Robredo dahilan para magalit ang lokal na residente.

Ilang oras matapos mapagpiyestahan ang spliced video ay lumitaw naman ang higit limang minutong kopya nito na nagpapakita ng mga sandali bago ang insidente ng tila nagalit na residente.

Bago umakyat ang emosyon ng nasabing lokal, makikita si Jillian na nakikipagkamay at game na game nakikipagpicture sa ilang makakasalubong na mamimili o maging ng mga nagbebenta sa naturang palengke.

Parehong imahe ang mapapanuod ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa maririnig ang isang indibidwal na nakikiusap na huwag harangan ang daanan ng palengke. Dito sunod na nangyari ang hindi inaasahang tensyon.

Isang tila galit na residente ang pasigaw na, “Grabe kayo, bakit niyo pinasara ang daanan?! Public market ‘to!”. Sumunod na maririnig ang malinaw na pahayag sa naunang sampung segundong video.

Ilang volunteers naman na nakasama ni Jillian ang dumepensa sa kanya at ipinaliwanag ang ilang detalye sa likod ng viral video.

Sa isang Facebook post, isang volunteer at lokal ng Baguio ang nagpaskil ng apat na pananaw ng volunteers sa insidente na mababasa sa sumusunod:

“The ‘group walk’ conducted was intended to peacefully campaign for and introduce Ms. Leni and Jillian Robredo respectively. It had no intention to break the peace nor cause a commotion around areas in Baguio City. In fact, no chants were made nor campaign jingles played, in order to preserve the peace.

“The verbal attacks are not triggered by nor directed to Ms. Jillian Robredo. The gradually forming crowd which may have inconvenienced market-goers is the reason for the aggravation.

"Drawing a crowd is a usual consequence of campaigns held in preparation for the upcoming elections.

“At the onset of the aggravation, Ms. Jillian Robredo along with her team initiated and called for a movement to clear the pathways and make space for market-goers.

“The incident is not and should never be taken as an indication that Ms. Jillian Robredo is not welcome to the City of Pines,” mababasa sa public post ni Zenia Flores.

Itinanggi rin ng mga volunteer ang umano’y pambabastos ni Jillian sa nasabing video.

Wala pang tugon sa usapin ang bunsong anak ng bise presidente.