Magandang balita dahil nagdesisyon na ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Department of Transportation (DOTr) na palawigin pa ng isang buwan ang ipinagkakaloob nilang libreng sakay.

Ang libreng sakay program ay matatapos na sana sa Abril 30 ng taon.

Gayunman, pinalawig pa ito ng isa pang buwan o magtatagal na hanggang sa Mayo 30, 2022.

“To continue providing assistance to the riding public in their commuting needs, the MRT-3 Management and the Department of Transportation (DOTr) have decided to extend for another month the implementation of the FREE RIDE or "LIBRENG SAKAY" program in MRT-3,” anunsyo ng MRT-3 nitong Miyerkules ng umaga.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

“Passengers will be able to continue enjoying free rides at the rehabilitated MRT-3 line until 30 May 2022, anytime between the rail line’s operating hours from 4:40 a.m. and 10:10 p.m.,” ayon sa MRT-3.

Layunin ng programa na mapagaan ang gastusin ng mga commuters dahil sa nararanasang pagtaas ng pangunahing bilihin at pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.

Kasabay nito, iniulat rin ng MRT-3 na hanggang noong Abril 26 ay umaabot na sa kabuuang 7,227,434 pasahero ang nakinabangsa kanilang programa, na inilunsad noong Marso 28.