Sinagot ng dating Kapuso actress na si Iwa Moto kung ano ang reaksyon niya na 'Leni-Kiko tandem' ang sinusuportahan ni 'Silent Superstar' Jodi Sta. Maria, at hindi ang dati nitong biyenan na si presidential candidate at Senador Panfilo 'Ping' Lacson.

Matatandaang noong Abril 23, makikita sa kaniyang latest tweet ang cryptic post niya sa Twitter hinggil sa pagiging Kakampink. Mula ito sa pamosong pahayag niya mula sa karakter ni Dra. Jill Ilustre sa 'The Broken Marriage Vow', na Pinoy adaptation ng 'Doctor Foster' (The World of the Married sa South Korea).

"Papunta pa lang tayo sa exciting part 😉💕🌸🌸💕😉," saad ni Jodi.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/jodi-sta-maria-isang-kakampink-urirat-ng-netizens-bakit-hindi-si-sen-ping-ang-sinuportahan/">https://balita.net.ph/2022/04/24/jodi-sta-maria-isang-kakampink-urirat-ng-netizens-bakit-hindi-si-sen-ping-ang-sinuportahan/

Ayon sa tugon ni Iwa, hindi na raw siya nasorpresa dahil napag-usapan na raw nila ito ni Jodi dati. Nang mga panahong iyon ay undecided pa raw si Jodi, pero kung anoman ang desisyon nito, igagalang naman daw niya.

"Kahit naman iba iboto niya, di naman mababago na pamilya kami. At mahal namin at nirerespeto ang isa't isa. Siyempre may sarili kaming utak at iba-iba kami ng opinyon," saad ni Iwa sa kaniyang IG story.

Sana nga lang daw, hindi na siya nag-aanounce.

"Syempre, father-in-law namin yung kalaban na candidate, hahaha," sey pa ni Iwa.

Iwa Moto, hindi nasorpresa at Leni-Kiko si Jodi Sta. Maria:
Screengrab mula sa IG/Iwa Moto

Buo naman ang suporta ni Iwa sa Lacson-Sotto tandem, bagay na makikita naman sa kaniyang social media posts.

"The most qualified candidate! So proud of you daddy. Namiss kita. Love you dad @iampinglacson," caption ni Iwa sa kaniyang IG post noong Abril 22, 2022.

Samantala, iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen tungkol sa pahayag ni Iwa hinggil kay Jodi.

"This is my 1st time to vote, at alam kong hindi masasayang ang boto ko this coming 2022 election! #LacsonSotto2022."

"Sana hindi ka na lang din nagsalita kung sino gustong suportahan ni Jodi lalo lang hahaba ang usapan."

"Obviously mas magaling si Sen. Ping kay Leni. What a shame kay Jodi. Go go go Sen Ping!! We are with you all the way."

Si Iwa Moto ang partner ng estranged husband ni Jodi na si Panfilo 'Pampi' Lacson, Jr. na anak ni Senator Ping. Ikinasal si Jodi sa anak ni Senator Ping noong 2005 sa Las Vegas. Naghiwalay sila noong Marso 2011 matapos mag-file ng "petition for the declaration of nullity of marriage" sa Regional Trial Court sa grounds na psychological incapacity, subalit ibinasura ito ng Court of Appeals noong 2016. Sila ay nagkaroon ng anak na pinangalanang Panfilo 'Thirdy' Lacson III.

Naging magkarelasyon sina Pampi at Iwa noong 2012, at naging maayos naman ang ugnayan nina Jodi at Iwa.

Iwa Moto at Pampi Lacson (Screengrab mula sa IG/Iwa Moto