Nagkasa ang Philippine Basketball Association (PBA) ng exhibition games sa Setyembre tampok ang laban sa pagitan ng French squad at mga koponan sa liga.

Ito ang inanunsyo ni PBA Commissioner Willie Marcial nitong Miyerkules kasunod na rin ng pakikipagpulong nito kina French Ambassador to the Philippines Miche'le Boccoz at French Embassy Counselor for Cooperation and Cultural Affairs Marc Piton kamakailan.

Si Boccoz na kabilang sa mga nanood ng Game 3 ng PBA Governors' Cup Finals ay nagsabing kitang-kita ang kasabikan ng mga Pinoy na nanood sa pagitan ng Ginebra at Meralco sa Araneta Coliseum kung saan nanalo sa nasabing laro. Gayunman, naiuwi ng Ginebra ang kampeonato.

"Definitely, maganda ito para sa PBA and magandang experience din para sa teams," pahayag ni Marcial.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bukod dito, ikinakasa na rin ni Marcial ang laban sa pagitan ng French team at Gilas Pilipinas upang mahasa nang husto ang National team bago sumabak saAsian Games sa September. Kakausapin pa rin aniya nito si PH team coach Chot Reyes kaugnay ng usapin.

Idinagdag pa nito na ang exhibition games ay tampok sa ika-75th taong pagdiriwang ng Philippines-France friendship sa Hunyo26.