Pinaigting pa ng Department of Natural Environment Resources (DENR) ang pagsugpo sa mga campaign materials na nakakabit sa mga puno.

Batay sa pinakahuling ulat, sinabi ni DENR Sec. Jim O. Sampulna na may kabuuang 114,664 na piraso ng campaign materials ang nabaklas sa buong bansa.

Iniulat ng mga field office ng DENR sa Regions 9, 3 at 5 ang pinakamataas na nakumpiskang materyales na may 21,650 piraso, 19,646 piraso, at 18,950 piraso ng campaign materials, ayon sa pagkakabanggit.

Sampulna urged the candidates to be responsible enough to tell their supporters to follow the rules on posting campaign materials, which include the prohibition on posting them on trees.

Isinasaad ng Republic Act (RA) 3571 na ipinagbabawal ang pagputol, pagsira, o pananakit ng mga nakatanim o lumalaking puno, mga halamang namumulaklak at mga palumpong o mga halaman na may magagandang halaga sa mga pampublikong kalsada, sa mga plaza, parke, paaralan, o sa anumang iba pang lugar ng kasiyahan ng publiko.

Nagbabala ang DENR chief na ang mga lalabag ay maaring mapatawan ng sanction hindi lamang tungkol sa election-related laws, kundi maging sa environmental laws. Nakasaad din sa Section 3 ng Presidential Decree No. 953 na ang mga lalabag ay maaaring parusahan ng pagkakulong mula anim na buwan hanggang dalawang taon, o multang hindi bababa sa P500 at hindi hihigit sa P5,000, o pareho.

Sa kabila ng pagbanggit sa mga paglabag sa batas, ang DENR ay hindi pa nag-uulat kung sinumang kandidato ang sinampahan na ng mga kaso kaugnay ng paglabag na ito.

Gayunpaman, ang mga nakumpiskang campaign materials, karamihan sa mga tarpaulin, ay ibibigay sa mga environmental group tulad ng EcoWaste Coalition at mga katulad na organisasyon na nagre-recycle ng mga materyales sa mga kapaki-pakinabang na bagay tulad ng mga bag at school supplies.

Aaron Recuenco