PANGASINAN- Haharangin ng mga awtoridad ang mga ipapasok na manok sa lalawigan bilang pag-iingat na rin laban sa avian flu virus o bird flu na tumama sa isang lugar sa Isabela.
Sa inilabas na kautusan ni Governor Amado Espino III, bukod sa manok, ipinagbawal din nila ang pagpasok ng poultry products mula sa Region 2.
“Department of Agriculture (DA) Regional Office No. 2 confirmed that around two hundred (200) chickens have died caused by the Avian Flu Virus or H5N1.Following the said reported incidents of confirmed cases of Avian Flu, there is an urgent need to prohibit the entry of all chickens from Region 2 in the Province of Pangasinan to safeguard its poultry industry as well as to protect the general public from the ill effects of the Avian Flu disease,” ayon sa executive order na inilabas ng gobernador.
Kabilang sa babantayan ng mga awtoridad ang bahagi ng TPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) at lahat ng kalsada dahil posibleng gamiting entry points mula sa rehiyon.
Idinagdag pa ng pamahalaang panlalawigan na ipinarating na nila ang kautusan sa mga alkalde, city at municipal health officers at iba pang ahensyang may kinalaman sa usapin.