Ibinahagi ni Unkabogable Star Vice Ganda sa noontime show na 'It's Showtime' ang tungkol umano sa kakilala niyang naging 'troll' dahil kailangang-kailangan ng pera, habang nagchichikahan sila ng co-hosts na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid noong Martes, Abril 26.

Ayon kay Vice, pumayag umanong maging troll ang kakilalang ito na alam naman niyang mabait; pero dahil gipit at kailangan ng pera, pumayag itong manira nang manira sa social media bilang trabaho.

“Sa totoong buhay hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Ta’s nalaman ko troll siya. Trabaho kasi wala siyang pera eh. Ginawa niya ‘yun, kumapit siya doon kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya,” pagbubulgar ni Vice Ganda.

“Masakit man pero yung ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin. Hindi man katanggap-tanggap pero wala siyang choice,” dagdag pa niya.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

“Mabait naman ‘yan eh, pero ngayon magugulat ka na lang talaga. ‘Yung mga post niya, ta’s nalaman naming troll pala siya."

Samantala, niretweet naman ng komedyante-direktor na kaibigan ni Vice Ganda na si John 'Sweet' Lapus ang video clip ng mga pahayag ng sikat na host-komedyante, na ibinahagi naman ng isang netizen.

"Eto ang dahilan kung bakit hindi ako nagrereact sa kanya itag nyo ako. Alam kong trabaho lang," saad ni Sweet.

https://twitter.com/KorekKaJohn/status/1518951050023403523

Bagama't wala namang binanggit na kahit na sinomang pangalan si Vice, ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay si Juliana Pariscova Segovia, na nagsimula bilang grand winner ng Miss Q&A season 1 segment ng naturang noontime show.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/26/juliana-segovia-umalma-sa-viral-na-pahayag-ni-vice-ganda-kaugnay-ng-isang-kakilalang-troll/">https://balita.net.ph/2022/04/26/juliana-segovia-umalma-sa-viral-na-pahayag-ni-vice-ganda-kaugnay-ng-isang-kakilalang-troll/

Lumutang pa ito nang mapag-usapan ang Facebook post ng direktor na si Darryl Yap, na kilalang tagasuporta ng UniTeam, at direktor ng VinCentiments na nagdirehe ng mga 'Lenlen series'. Ibinahagi niya ang screengrab ng tila pagko-comfort niya kay Juliana sa isang isyung ipinupukol sa kaniya, bagama't hindi naman direktang tinukoy na tungkol ito sa blind item ni Vice Ganda.

Matatandaang lumutang ang balitang nag-ambagan ang mga UniTeam supporter para makalikom ng ₱300K ang komedyante upang maipambayad sa mga utang nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/27/juliana-nakalikom-ng-higit-%e2%82%b1300k-pambayad-utang-dahil-sa-ambagan-ng-uniteam-supporters/">https://balita.net.ph/2022/03/27/juliana-nakalikom-ng-higit-₱300k-pambayad-utang-dahil-sa-ambagan-ng-uniteam-supporters/

Isang makahulugang Facebook post gamit ang pahayag ni Vice ang ibinahagi rin ni Juliana kasunod ng pahayag ng host.

Matatandaang nilinaw na ni Juliana na maayos ang ugnayan nila ni Vice at nakiusap pa siya sa publiko na huwag gumawa ng pekeng balita para pagsabungin silang dalawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/juliana-vice-ganda-oks-naman-tama-na-ang-pagawa-nyo-ng-issue-mga-mahinang-nilalang/">https://balita.net.ph/2022/03/12/juliana-vice-ganda-oks-naman-tama-na-ang-pagawa-nyo-ng-issue-mga-mahinang-nilalang/

Samantala, wala pang tugon si Vice Ganda tungkol dito.