QUEZON - Inaresto ng pulisya ang isang babae matapos umanong masamsaman ng ₱3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Tayabas City nitong Miyerkules.

Under custody na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Calabarzon ang suspek na nakilalang si Anna Marie Laurel, alyas Ging-Ging, 45, at taga-Brgy. Laurel, Tagkawayan, Quezon.

Inaresto si Laurel matapos magsagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ng PDEA-4A, PDEA-Quezon, Quezon Police Office, Regional Special Enforcement Team at Tayabas City Police sa Barangay Mayumi ng lungsod nitong Abril 27.

Binanggit naman ni Quezon Police director Col. Joel Villanueva, nasamsam sa suspek ang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu at buy-bust money.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Laurel.