Labing tatlong araw bago ang eleksyon 2022, sinuspinde ng Facebook o Meta ang account ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni presidential aspirant Bongbong Marcos, Jr.

(Screenshot courtesy of Atty. Vic Rodriguez via MB)

"FB/Meta suspended my account because I am for Bongbong Marcos," saad ni Rodriguez nitong Martes, Abril 26.

"This action is censorship of the highest degree and interference on a sovereign act, digital terrorism no less," dagdag pa niya.

Sinuspinde ng Meta ang kanyang account pagkatapos nitong malaman na ang account o aktibidad dito ay hindi sumusunod sa mga community standards ng Meta. Ang Meta ay ang parent company ng Facebook.

Saad din ng tagapagsalita, hindi siya aapela dahil wala umano siyang nilabag.

"I will not appeal for I have not violated anything. My duty is to the Filipino people and not to FB/Meta. I will continue communicating with the many other forms of media available that are free from any filter, censorship or manipulation from foreign platform providers."

Bilang tagapagsalita, regular na naglalabas ng mga pahayag si Rodriguez sa kanyang Facebook page tungkol sa mga kampanya ni Marcos.