Malugod na tinanggap ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga apela upang muling isaalang-alang ang desisyon nitong Disyembre 7, 2021 na nagtataguyod sa konstitusyonalidad ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

"We welcome the latest decision of the Supreme Court on Republic Act No. 11479, otherwise known as the ‘Anti-Terrorism Act of 2020," ani acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang press statement.

Inilabas ni Andanar ang pahayag matapos na ibasura ng SC ang motions for reconsideration na inihain ng grupo ng mga petitioner na kumukuwestiyon sa legalidad ng ATC.

Para kay Andanar, ang pinakabagong hakbang ng Korte Suprema ay maaaring ituring na "tagumpay" para sa buong Pilipino, dahil binigyang-diin niya na ang layunin ng RA 11479 ay palakasin ang paglaban ng bansa laban sa terorismo.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Aniya, "We consider this latest High Court ruling a triumph for all peace-loving and law-abiding Filipinos as it serves as a stern warning against malevolent elements that the Philippines is not a safe haven for terrorists."

Ang mataas na tribunal ay tinanggihan ang mga apela upang baligtarin ang desisyon nito sa mga petisyon na humahamon sa batas laban sa terorismo dahil sa kakulangan ng mga malalaking isyu at argumento na ibinangon ng mga petitioner.

Matatandaan na ang RA 11579, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Hulyo 3, 2020, na pinagtibay ng Korte Suprema ang bisa, maliban sa dalawang probisyon ng batas.