Hindi maaaring mag-endorso ng kahit na sinomang kandidato si ABS-CBN news anchor Karen Davila dahil sa kanilang propesyon bilang mamamahayag, subalit nag-iwan siya ng 'universal message' para sa mga botante sa darating na May 9 elections.
"I cannot endorse any candidate but this is a universal message we should all remember," ani Karen sa kaniyang tweet nitong umaga ng Abril 26.
"Elect a senate you can be proud of."
Niretweet niya ang Twitter post ng isa sa mga senatorial candidate ng Partido Lakas ng Masa nina Ka Leody De Guzman at Walden Bello na si Atty. Luke Espiritu.
"Let's elect a Senate that we can be proud of. Vote for progressive candidates," nakasaad sa quote card ni Espiritu na ibinahagi niya sa Northwestern University Voters' Forum 2022.
Matatandaang lumutang si Espiritu nang makasagupa niya sa senatorial debates ng SMNI ang mga katunggaling sina Atty. Larry Gadon at dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Tinawag niyang 'Huwag kang bastos!' si Gadon matapos itong magtangkang sumingit sa kaniyang pagsasalita. Binatikos naman niya si Roque matapos nitong kumampi sa UniTeam, gayong dati raw ay kritiko ito ng mga Marcoses.