Pinuna ng isang abogado si Sen. Ricard J. Gordon, Senate Blue Ribbon Committee chairman, dahil sa diumano'y paggamit ng mga litrato ng dalawang nakakulong na executive ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa kanyang kampanya.

Sinabi ng abogado na si Ferdinand S. Topcio na ginamit ni Gordon ang mga larawan ng mga executive ng Pharmally na sina Linconn Ong at Mohit Dargani sa political advertisement ni Gordon bilang "mga mukha ng graft and corruption."

Si Ong at Dargani ay iniutos na makulong ng Senate Blue Ribbon Committee sa panahon ng mga pagsisiyasat nito sa umano'y maanomalyang pagbili ng gobyerno mula sa kumpanya para sa mga medikal na suplay para magamit sa pandemya ng Covid-19. Nakakulong sila mula noong Nobyembre 2021.

“I call out in the strongest terms the latest advertisement of Senator Gordon which used images of my clients. Under the Constitution, Ong and Dargani enjoy the presumption of innocence and the right to due process both of which have been denied them by Gordon,” ani Topacio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinunto niya na habang ang imbestigasyon ay natapos na at ang Senado ay nasa recess na ngayon, sina Ong at Dargani ay nakakulong pa rin, "kaya't sinamantala ni Gordon ang kanilang pagkakakulong para sa kanyang politikal na ambisyon."

Dagdag niya, “My clients have been made to look guilty without the benefit of even a court case, much less a trial. Gordon, in seeking to promote himself at the expense of my clients, has exhibited conduct that is very unseemly of a lawyer and a Senator. If only for this, he should be repudiated by the electorate.”

Nanawagan din si Topacio kay Senate President Tito Sotto III na "siguraduhin na ang Senado at ang mga miyembro nito ay sumunod sa ilang etikal na pamantayan at hindi gamitin ang august chamber para sa kanilang sariling kasuklam-suklam na agenda."

Umapela rin siya sa ilang media platforms na tanggihan ang political advertisement ni Gordon “for being not just offensive but is clearly violative of the Constitution.”

Nauna nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na pabor siya sa pagpapalaya kina Dargani at Ong dahil natapos na ng Senado ang imbestigasyon sa isyu ng Pharmally, at nailabas na ang pinal na ulat.

Rey Panaligan