Ipinagluluksa ng fashion industry at malalapit na kamag-anak at kaibigan ni Maricris Abad Santos Albert, o mas kilala bilang Cris Albert, ang biglaan nitong pagpanaw noong Sabado, Abril 23.

Sa ulat ng The Strait Times Singapore, ang chief executive officer at pangulo ng Fila Philippines ay natagpuan ng first responder na wala nang buhay sa 80 Collyer Quay madaling araw ng Sabado.

Kinumpirma ng sikat na brand sa isang Instagram post nitong Lunes, Abril 25 ang pagpanaw ni Albert.

“It is with profound sadness that we announce the untimely passing on Saturday, April 23, 2022, of Fila Philippines CEO and owner, Ms. Cris Albert,” mababasa sa naturang paskil habang hinihingi nito na igalang ang pribadong pagluluksa ng kanilang pamilya.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Dagdag nito, “Details of her wake will be shared soon."

Samantala, sa ulat pa rin The Strait Times, patuloy umanong iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng “unnatural death” ni Albert.

Bago pa man naging bahagi ng sports brand noong 1992, hindi na bago kay Cris sa fashion industry.

Lumaki itong pinapanood ang kanyang ina na si Wanda Louwallien sa mga fashion events sa murang edad na kalauna'y sinundan niya bilang modelo ng kaliwa't kanang patalastas at kampanya.

Ang marketing and management degree ni Cris ang nag-udyok kay sa kanya para pamunuan ang Fila Philippines mula noong 2007.