Bumuhos ang suporta at panalangin ng mga netizens para sa Pamilya Maguad. Hindi makakamit umano ng mag-asawa ang maximum justice para sa kanilang mga anak at maximum penalty para sa menor de edad na suspek.

Sa isang Facebook post noong Abril 24, ibinahagi ni Cruz Maguad, ama ng Maguad siblings, na na-realize niya na hindi hustisya ang gusto niya ngunit ang makasama ang kanyang mga anak.

And I realized it's not maximum justice for my kids, it's not maximum penalty to the criminals is what I need, but all I need is to be with my kids. I really missed you and love you so much mga anak," aniya.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Narito ang ilan sa komento mga netizens na nakisimpatya sa pamilya:

"Whatever hurts you sir surrender everything to our Lord and He will give you peace and guide your heart to heal"

"Sir, praying to God to give you and your wife strength and comfort in the difficult days ahead. God loves you Sir!"

"Keep fighting and praying lang po Tay, be brave and long live to you and your wife! They also miss you Tay and i think they both want you all to live happy and healthy without worrying about them"

"God has a purpose in everything keep on believing po someday makakamit nyo din ang justice and peace na deserve nyo cheer up po"

"Mhirap mn mkamtan ang hustisya dito sa lupa sir,sa langit wala silang ligtas doon,wag mawalang ng pagasa ,stay strong lng po"

"Cheer up po.. I know they are always watching you..they will be your guardian angel..Be strong and God bless"

"May the Lord Jesus continue to show in a different way sir dong that your not alone.. praying and declaring comfort and peace abundantly. God bless"

Samantala, matatandaan na noong Abril 5, ibinahagi ni Lovella Maguad, ina ng pinatay na magkapatid, na hindi nila makakamit ang sapat na hustisya para sa kanilang mga anak.

“I didn’t post anything after that [arraignment] because I was totally DEVASTATED, DISTURBED and TORTURED upon knowing that we’re not getting the maximum justice because she’s a minor,” aniya.

Binigyang-diin din niya ang RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act kung saanhindi maaaring ikulong ang batang nasa 15 taong gulang pababa at ang mga batang may edad higit 15 taong gulang ngunit wala pang 18 taong gulang.

“‘Yan po ang juvenile law maliban sa walang provision sa mga victims who are also minors tatawaran pa ang justice ng 1 to 2 degree lower. Kasi bata daw… BATA po ba ang tawag nyo sa isang taong magaling magplano, pursigidong i-execute ang kanyang planong masama o pagpatay at magaling mag dramatize ng krimen na kanyang ginawa?” paglalahad ni Lovella.

“Bata po ba ang tawag nyo sa isang taong ni walang takot na pumatay sa mga anak namin na walang ginawang masama sa kanya kundi ang kupkupin at tulungan siya sa panahon na humingi siya ng bahay na matirhan? Mahalin siya at bigyan ng pag asa na mapaganda ang kanyang buhay?” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/07/pinatay-na-maguad-siblings-hindi-makakamit-ang-sapat-na-hustisya-suspek-hindi-nagpakita-ng-pagsisisi/

Sa isa ring post kamakailan, tila hindi pa ring lubusang matanggap ni Lovella na may batas na pumoprotekta umano sa mga menor de edad na suspek.

“Sana ang batas ang siyang agent paano kayo managot sa inyong kompromiso hindi para kayo maabswelto. Ang batas dapat ay pantay para sa lahat, bakit may TAWAD pa sa iba?” pasaring nito.

“Kayo na yung namerwisyo, sumira ng buhay ng iba, sumira ng mga pangarap ng iba KAYO pa ang bigyan ng pag-aaruga at proteksiyon? What the hell! I demand for the human law, the law of the land to reign for JUSTICE!” dagdag pa ni Lovella.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/21/lovella-maguad-ang-batas-ay-dapat-pantay-para-sa-lahat-bakit-may-tawad-pa-sa-iba/