Trending sa Twitter ang Kapuso actress na si Bea Binene dahil sa pagsuporta sa Leni-Kiko tandem, na tinawag ng mga netizen na 'Bea Binene Movement' (BBM).

Nagpakita ng pagsuporta si Bea bilang isang Kakampink sa kandidatura nina presidential candidate at Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan, na tinawag ngang Bea Binene Movement, matapos niyang maging host sa Nueva Ecija sortie ng Leni-Kiko tandem. Ginanap ito sa Gapan City Plaza dakong 3PM, kahapon ng Abril 25.

Image
Bea Binene (Larawan mula sa Twitter)

"Saka ito pa, ishe-share ko lang… hindi naman ako ang nagsimula nito, nakita ko online yung Bea Binene Movement… kaya samahan n'yo po ako, sama-sama po tayong lahat, dahil ang Bea Binene Movement ay para kay Leni Robredo!" sigaw ni Bea na ikinahiyaw naman ng audience ng Nueva Ecija sortie.

https://twitter.com/archietypical_/status/1518570461956755456

Hindi ito ang unang beses na sinuportahan ni Bea si VP Leni. Noong 2016, buo ang tiwala at suporta ni Bea sa kandidatura sa pagkapangalawang pangulo ni VP Leni.

Isa lamang si Bea Binene sa mga Kapuso star na nagpahayag ng pagsuporta para sa Leni-Kiko tandem.