Naging usap-usapan ang pahayag ni Kapamilya actress Andrea Brillantes nang sabihin niyang hinihimok niyang mapa-convert na maging Kakampink ang kaniyang boyfriend na si UP Fighting Maroons basketball star Ricci Rivero, na aminadong isang UniTeam supporter.
Sa isang panayam umano ng isang entertainment YouTube hub, natanong si Andrea kung kinukumbinsi niya ang basketball star na jowa na kilalang tagasuporta ni Marcos Jr.
“I am trying, ‘wag kayong mag-alala. I’m trying like ilang months na,” pagbubulgar ng aktres.
“He supports me supporting Leni [Robredo] at sobrang na-appreciate ko na ‘yun,” dagdag ni Andrea.
“‘Yan ang aking goal pero nirerespeto ko siya kasi nirerespeto niya rin ako. ‘Yun naman yung importante. Kahit magkaiba kami ng paniniwala at gusto pero may respeto pa rin kami sa isa’t isa, pero I’m trying pa rin,” natatawang sabi pa ng aktres.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/25/kakampink-andrea-brillantes-sinusubukang-i-convert-si-ricci-rivero-na-isang-bbm-supporter/">https://balita.net.ph/2022/04/25/kakampink-andrea-brillantes-sinusubukang-i-convert-si-ricci-rivero-na-isang-bbm-supporter/
Kahapon, Abril 25, nag-tweet si Andrea na nagtagumpay naman siyang mahimok na maging Kakampink ang kaniyang driver at lola.
"Na-convert ko na driver and lola ko maging Kakampink🥺💖🌸😭 skl hihi," aniya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.
"Si Ricci naman!"
"Good for you Blythe. Si Ricci naman."
"I'm a fan of yours. But why do you need to convert people who believe what's best for the country for because it's your choice?? Naahh I want ABS-CBN to come back but think of the other people as well. Seems like you're removing their will to vote for what they want…"
"Why not respect na lang kung sinong gusto nila iboto? Ginamitan mo na naman ng flowery words mo? Haha."
"Convert mo rin jowa mo, please."
Samantala, wala pang reaksyon, tugon, o komento rito si Ricci.