Kaagad na humingi ng dispensa si Unkabogable Star Vice Ganda sa ginawa niyang pagmumuwestra ng dirty finger sign habang nagbibiruan sila ng mga co-hosts na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid, sa segment na 'Sexy Babe' ng noontime show na 'It's Showtime' noong Saturday episode, Abril 23.

Hindi sinasadyang mahagip ng camera ang ginawa ni Vice Ganda na ikinabigla rin niya. Kinakapanayam kasi nila ang isang kakalok na 18 anyos at nakipaghiwalay sa kaniyang jowa.

"Noong nakikita ko po na hindi na nagwo-work saka parang wala naman po siyang balak, saka wala na siyang interes sa akin, napagpasyahan ko po (hiwalayan) kasi alam ko po yung worth ko saka hindi ko deserve yung bare minimum," pahayag ng kalahok.

Bumanat naman si Vice, "Bare minimum… grabe, hindi mo deserve ang bare minimum… eh ang Bear Brand, deserve mo ba ang Bear Brand? Eh si Bearwin Meily?"

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Humirit naman dito si Vhong at pagkatapos ay nag-dirty finger sign si Vice, na nakita naman sa camera.

Vice Ganda (Screengrab mula sa YT/ABS-CBN Entertainment)

Bago magtapos ang noontime show, kumambyo naman si Meme at humingi ng tawad sa kaniyang inasal, na ayon sa kaniya ay 'very bad'.

“Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng paumanhin dahil kanina naghaharutan kami ni Vhong Navarro at meron akong naibunton na hindi maganda kaya humihingi po ako nang paumanhin.

“Bad, bad, bad… that’s very bad, oo. Pero ayun, paumanhin po,” ani Vice.

Pagkatapos ng noontime show, kinagabihan ay trending si Vice Ganda matapos mag-'It's Showtime' sa Pasay sortie at birthday celebration ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo. Opisyal na niyang inendorso ang pangalawang pangulo para sa Mayo 9.