Sa kabila ng mga pangyayari noong Linggo ng Pagkabuhay, napansin ng Tangere na "walang pagbabago sa mga survey rankings" ng mga tumatakbong presidente, binanggit pa nito na mas pinalawak pa ni dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang kanyang numero kaysa iba pang presidential candidates.

Batay sa resulta ng survey noong Abril 20-22, binanggit ng Tangere ang kapansin-pansing pagkakaiba, dahil matapos ang kontrobersyal sa press conference, ay bahagyang tumaas ang numero ni Marcos. 

Nakakuha si Marcos ng 51.54% na botong pinipili siya bilang kandidato sa pagkapangulo.

Tumaas ito mula sa 48% noong Abril 6 survey.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Patuloy na sinundan ni Moreno si Marcos na ngayon ay nasa 20.38% kumpara sa 24% noon, habang bumaba naman si Robredo sa 18.25% na dating 20%.

Sila ay sinundan ni Pacquiao na 4.04%, at 3% naman si Lacson.

Samantala, walang gaanong pagbabago sa resulta ng vice presidential race dahil nanguna pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte na may 60%.

Malayo ang agwat niya kina Senate President Vicente Sotto III na 16%; Doc Willie Ong, 11%, at Senador Francis Pangilinan, 7%.

Ang mobile-based survey na nilahukan ng 2,400 respondents na may confidence level na 95% na may 2.29& na margin of error.

Ang mga respondent ay proporsyonal na kumakatawan sa mga sumusunod na lugar sa bansa-- 12 percent mula sa Metro Manila, 23 percent mula sa North at Central Luzon, 22 percent mula sa Southern Luzon, 20 percent mula sa Visayas, and 23 percent mula sa Mindanao.