Mukhang nakaabang na kay Miss Q&A season 1 Grand Winner at UniTeam supporter Juliana Parizcova Segovia ang komedyanteng si 'Ate Dick', kung babanatan ba nito sa social media si Unkabogable Star at manager niyang si Vice Ganda, nang opisyal na itong maghayag ng pagsuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo noong Abril 23, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan nito at Pasay sortie.

Ngayong Abril 25 ng umaga, niretweet ni Ate Dick ang post ng 'Barakos for Leni' na naghahambing kina Juliana at Vice Ganda. May caption itong 'GAME OVER'.

"Juskopo," panimula ni Ate Dick sa kaniyang tweet.

"So kamusta si Juliana? Binash niya na ba si Meme katulad ng pambabastos niya kay VP? Excited ako for her talaga lol," ani Ate Dick.

https://twitter.com/_AteDick/status/1518388491654406144

Ipinahayag ni Ate Dick ang kaniyang appreciation kay Vice nang dumalo ito sa Pasay sortie at i-endorso si VP Leni.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/ate-dick-sa-manager-na-si-vice-ganda-last-night-was-one-of-my-proudest-moments-with-you/">https://balita.net.ph/2022/04/24/ate-dick-sa-manager-na-si-vice-ganda-last-night-was-one-of-my-proudest-moments-with-you/

Hindi ito ang unang beses na nagpahayag ng patutsada si Ate Dick laban kay Juliana. Sa isang pinned tweet noong Abril 17, ibinahagi niya ang screengrab ng social media post ni Juliana katabi ang puppet na si Lenlen, na ipakilala sa 'Lenlen series' ng VinCentiments sa direksyon ni Darryl Yap.

"Narinig mo ba sinabi nila Len-Len? Magwithdraw ka daw, gamitin mo yung gender card mo, kulang kasi offer mo eh," nakasaad sa caption ni Juliana.

"Bobo ka talagang animal ka. 🤮 Kahit yata SOGIE 'di mo kaya iexplain," banat naman ni Ate Dick.

https://twitter.com/_AteDick/status/1515643197992890368

Samantala, nilinaw naman ni Juliana noon na maayos at mataas ang paggalang niya kay Meme Vice. Napabalita kasi na inisnab daw siya ni Vice sa coronation night ng Miss International Queen Philippines 2022 noong Marso 6, 2022, na pareho nilang dinaluhan. Sa pamamagitan ng 'Showbiz Update' ni Ogie Diaz noong Marso 10 ay sinabi ni Juliana na maayos sila ng award-winning comedian-host.

"Hayun, ahm, wala pong katotohanan yung mga lumalabas na balita na dinedma raw ako ni Meme Vice sa MIQ Philippines, ahm, actually, ang totoo po niyan, ako po yung lumapit kay Meme, nagbeso kami, nagyakapan kami, wala pong katotohanan yung mga lumalabas na hindi ako pinansin ni Meme Vice," paglilinaw ni Juliana.

May pakiusap naman si Juliana sa lahat ng mga 'naninira' sa magandang samahan nila ni Vice Ganda.

"Sana huwag na lang tayong magpapaniwala sa mga fake news, lalo na kung wala namang malinaw na ebidensya."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/juliana-binasag-na-ang-katahimikan-sa-isyung-dinedma-sukang-suka-si-vice-ganda-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/03/10/juliana-binasag-na-ang-katahimikan-sa-isyung-dinedma-sukang-suka-si-vice-ganda-sa-kaniya/

Noong Marso 11, nagpakita ng 'resibo' o ebidensya na maayos naman ang ugnayan nila ni Meme. Ibinahagi ni Juliana ang screengrab ng pag-uusap nila sa personal Facebook account ni Vice Ganda kung saan ipinadala ni Miss Q&A ang artikulong naisulat ng Balita Online, hinggil sa naging panayam ni Juliana kay Ogie Diaz, kung saan pinabulaanan niyang dinedma siya ng sikat na TV host-comedian.

Kaya sey ni Juliana sa caption ng kaniyang FB post bilang pag-call out sa netizen na gumawa ng isyu, "Tama na ang pagawa n'yo ng issue at pagpapalaganap ng mga balitang walang katotohanan… gawain lang 'yan ng mga mahinang nilalang…pag galit kayo, galit lang walang damayan ng mga taong nananahimik… hays KENNAT HITO sana matauhan ka na."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/juliana-vice-ganda-oks-naman-tama-na-ang-pagawa-nyo-ng-issue-mga-mahinang-nilalang/">https://balita.net.ph/2022/03/12/juliana-vice-ganda-oks-naman-tama-na-ang-pagawa-nyo-ng-issue-mga-mahinang-nilalang/

Habang isinusulat ito, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag si Juliana sa patutsada ni Ate Dick.