Inialok muli ng Pilipinas ang kanyang turismo sa ilalim ng "It's more fun in the Philippines" bilang pagbubukas na naman ng kanyang mga magagandang beach sa mga Israelis na ikatutuwa ang visa-free stay ng hanggang 59-araw epektibo ng Abril 1, 2022.

(photo courtesy: Department of Tourism)

Sa pagsasara ng Pilipinas sa libro nito sa pandemya, ang entry requirements sa bansa ay nanumbalik sapre-COVID guidelines.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Simula ngayong Abril, maaari nang pumasok muli sa Pilipinas ang mga Israelis na walang visa at tanging kailangan lamang ay fully vaccinated, sumailalim sa RT-PCR test sa loob ng 48-oras o isang laboratory-based antigen test sa loob ng 24-oras bago ang kanilang flight o pre-flight, at mayroong travel insurance na may minimum coverage na USD 35,000 na sakop ang COVID-19 treatment.

Ikinalugod naman ni Philippine Ambassador to Israel Macairog S. Alberto ang nasabing balita.

“We are delighted to once again welcome our Israeli friends to our country, just in time for the summer! Aside from the breathtaking natural beauty, colorful culture, and endless adventures that await Israelis in the Philippines, it is the warm hospitality and genuine friendship of Filipinos that truly make the travel meaningful and unforgettable,” sabi ng Ambassador .

Aniya, ang mga bisita o turista ay makararamdam ng extra safe lalo na halos 100% ng manggagawang turismo sa Pilipinas ay pawang bakunado at pangkalahatang sumusunod sa local health guidelines ang mga tourism establishments.

Bukod sa mga isla tulad ng Boracay, El Nido, at Cebu, na nananatiling nasa listahan ng world’s top beach destinations, ipinagmamalaki rin ng Pilipinas ang mga destinasyon na makakahikayat pa sa mga Israeli travelers na mahilig sa mga adventure.

Kabilang na rito ang paglalangoy kasama ang whale sharks sa Oslob at Donsol, snorkeling kasama ang sea turtles sa Apo Island, scuba diving sa Anilao, surfing sa Siargao, volcano trekking sa Bicol, diving shipwrecks sa Coron, at paggalugad sa Underground River ng Puerto Princesa.

Upang simulan ang bakasyon sa Pilipinas, bisitahin lamang angPhilippine Department of Tourism website, at makipag-ugnayan sa Tourism Promotion Section ngPhilippine Embassy in Tel Aviv.