Dumating na sa Pilipinas si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu noong Linggo, Abril 24, para sa kaniyang special appearance sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa SM Mall of Asia Arena, sa darating na Abril 30.

"Countdown begins, Philippines see you soon. Humanda ka Pilipinas," saad ng Miss Universe 2021 sa kaniyang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Harnaaz Kaur Sandhu (@harnaazsandhu_03)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang mayor ng Narvacan, Ilocos Sur na si Luis 'Chavit' Singson, kasama ang anak na si Architect Richelle Singson-Michael ang sumundo kay Sandhu mula sa India, at take note, ang gamit nila ay ang 12-seater private plane na Air Beauty One.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, pinaghandaan ni Singson ang pagkikita nila ni Sandhu; sa katunayan, nagpaliit umano siya ng tiyan at nagbawas-bawas ng pagkain.

"Minsan kasi hindi natin namamalayan, kain tayo nang kain, lumalaki ang tiyan. So, nagawan ko nang paraan noong nag-oo na ako na susunduin ko si Miss Universe. Nagpaliit na ako ng tiyan. Nakakahiya naman na magpa-picture sa kaniya na may tiyan… wala nang tiyan."

"Hindi na nakakahiyang humarap ako sa kanya, Miss Universe. Ginawa ko ito noong ako ang mag-sponsor ng Miss Universe 2016 so gagawin ko uli ngayon siyempre maliit ang tiyan.”

Sa Facebook post ni Architect Singson-Michael, nagbigay siya ng update na pabalik na sila ng tatay niya sa Pilipinas, kasama si Harnaaz at ang mga tauhan ng Miss Universe Organization.

“Now enroute to Manila-flying Queen Harnaaz Sandhu with Air Beauty One," saad ng anak ni Chavit sa kaniyang FB post.

"Just few more hours ‘til our reigning Miss Universe graces our country with her presence. Join me everyone in giving her our most affectionate welcome and cheers. Can’t wait to show her our warmest smiles and hearts."

Ipinakita rin ni Architect Michael ang bonding moments nila ni Harnaaz.

"Precious moments between me and reigning Miss Universe Harnaaz Sandhu aboard #AirBeautyOne seconds before stomping down the runway.

"Welcome to the Philippines" means so much more special knowing very well how warm Filipinos will embrace her. Today is only just her arrival and her presence has already put up a storm among Filipinos especially young women and the LGBT+ community. So excited for the days to come leading to the #MUPH2022 coronation night," saad sa caption.

Samantala, sa kaniyang IG stories naman ay ibinahagi na ni Harnaaz ang ilan sa mga litrato niya habang nasa Pilipinas. Nasa isang hotel na ang Miss U 2021.

Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu

Magsisilbing mga host ng Miss Universe PH 2022 sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters Tebow.