Hindi pinalampas ni Evette Wilson, kaibigan ni Skusta Clee o Daryl Borja, ang aniya’y pagkaladkad sa kanya ng online personality na si Xian Gaza sa isyu ng hiwalayan ng singer at ng partner nitong si Zeinab Harake.

Sa isang mahabang Facebook post ngayong Lunes, diretsahan nang sinagot ni Evette ang mga patutsada kamakailan ni Xian matapos ang isyu ng hiwalayan ni Zeinab at Skusta.

“Again, kami ni Daryl ay matagal nang magkaibigan. Before and after Zeiryl, I have always been around as both of their friend, but more so as Daryl’s friend. Madami ang saksi jan. Di ko na kailangan patunayan sarili ko sa inyo, So if you know, then you know,” pagsisimula ni Evette.

Tinugunan din ni Evette ang mga netizens na aniya’y mabilis na nakisawsaw sa isyu.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“Since this issue broke out, I’ve noticed that people were so quick na mag assume and and blame me even without concrete proof. Even being inconsiderate about the fact na yung dalawa ay may mabigat pa na pinagdadaanan ngayon.

“Nakakalungkot isipin na napakabilis ng iba na makisawsaw sa chismis at mag judge ng kapwa as if kayo, eh napaka perpekto nyo. Lahat ng possibleng blame eh binato nyo saken para lang ma-feed nyo yung mga gawa-gawa nyong illusyon sa ulo nyo na dahilan ng pagka-sira ng relasyon nila,” aniya.

Dagdag niya, walang sinuman ang may karapatan na magdemand ng sagot mula sa panig ni Zeinab o Daryl dahil pribadong buhay nila ang nakasalalay dito.

“Personal na buhay po ang pinaguusapan dito. Wala po kayong right na mag demand ng sagot about their life and their personal choices. Ang problema sa inyo, puro kayo sunggab kahit wala na sa lugar. Ang hilig nyong makealam sa buhay ng iba imbes na ayusin nyo yang mga sarili nyo at nang mejo lumawak din sana pagiisip nyo. Lahat ng tao may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay na dapat nyo nirerespeto at bigyan ng malawak na pang-unawa.”

Hindi rin pinalampas ni Evette ang ang mga umatake sa kanyang pamilya matapos madawit ang pangalan isyu ng hiwalayan ng dalawang online personality.

“Sa mga nangbabastos saken at sa mga pamilya ko jan; Nakakasuka kayong mga mapanlait sa kapwa. Nakakaawa isipin na pabata ng pabata tong gumaganto sa social media. Imbes na gumagawa kayo ng mga module nyo, nagpapaka warrior kayo sa social media na hindi na maintindihan kung may saysay pa ba yang pinaglalaban nyo. Pati na din kayong mga Marites na walang ginawa kundi mang bantay ng latest chismis, Ano yan? Life goal nyo? Sana naman nabubusog nyan ng literal mga tiyan nyo. Sana napapakain din nyan ang mga pamilya nyo.”

Sunod na binengga ni Evette ang tinaguriang Pambansang Marites na si Xian matapos ibalandra ang kanyang mukha sa wall nito kamakailan dahilan para putaktehin siya ukol sa isyu bagaman walang direktang akusasyon ang online personality.

Giit niya, walang karapatan si Xian na magsapubliko ng kanyang mukha para maging target ng atake mula sa social media.

Matatandaang naging laman sa ilang serye ng Facebook posts ni Xian si Evette na tila makahulugang iniuugnay sa umugong na hiwalayan nina Zeinab at Daryl.

Basahin: Skusta Clee, nagbura na rin ng mga larawan ni Zeinab sa kanyang IG; Xian Gaza, nakisawsaw – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“To the one and only Leader of the Marites gang who so praises himself for all these disgusting shit that he does, what kind of entity are you? How do you enjoy feasting on other people’s agony? How ignorant are you? How do you live? How do you sleep at night? Lmfao. You have no business in posting my face, immediately making me a target for all these people.”

Dapat aniya itigil ni Xian ang pagdawit nito sa mga inosenteng indibidwal.

“You need to stop dragging innocent people along with your bullshit. I hope you realize how shitty of a person you are for continuously targeting people and their personal issues for your entertainment. You are one of the most rotten piece of ball sack this world has to offer. How dare you talk about depression when your own actions trigger depression for others. Insensitive prick.”

Dagdag na tirada ni Evette, “For once try using the littlest brain cells you have left and make yourself useful in this world by using your platform for something positive. Karma’s a bitch and it’ll eventually catch up to you.”

Sa huli ay nagpasalamat si Evette sa kanyang pamilya at kaibigan na nagpakita ng suporta at dinepensahan siya laban sa mga akusasyon.

“Fake news should never be tolerated,” giit niya.

Kasalukuyang pabalik ng Amerika si Evette base sa kanyang post.

Mababasa rin sa paskil ang ilang palitan ng mensahe ni Zeinab at Evette na malinaw na maging ang YouTube darling ay naniniwalang hindi sangkot si Evette sa isyu nilang dalawa ni Daryl.

Wala pang tugon si Xian sa pahayag na ito ni Evette.