Nasa Amerika man ngayon ang Queen of Soul na si Jaya ay nagparating pa rin siya ng suporta kina presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan.

Aniya, wala man siya rito sa Pilipinas ay buo ang kanyang tiwala sa tandem. 

"Nais ko lang pong iparating ang aking suporta sa inyo Ma’am @lenirobredo & Sir @kikopangilinan wala man ako dyan ay buo ang aking tiwala sa inyo," saad niya sa kanyang Twitter account nitong Lunes, Abril 25, na may kalakip na larawan niyang nakasuot ng kulay pink na damit.

"Mabuhay po kayo at lahat ng mamamayang sumusuporta sa inyo," dagdag pa niya.

https://twitter.com/jayasoul/status/1518338306223722497

Certified kakampink si Jaya nang ianunsyo niya noong Pebrero 19 ang kanyang pagsuporta sa Leni-Kiko tandem.

“I’m aware of what’s going on dyan sa Pinas at sa mga nagtatanong po #LetLeniLead,”sey ng Soul Diva.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/19/soul-diva-jaya-certified-kakampink-kahit-nasa-amerika/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/19/soul-diva-jaya-certified-kakampink-kahit-nasa-amerika/

Kasalukuyang naninirahan ngayon sa Amerika si Jaya kasama ang kanyang pamilya.