Umarangkada na nitong Lunes ang ikalawang booster shot sa mga immunocompromised na indibidwal kaugnay pa rin ng hakbang ng pamahalaan laban sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kabilang sa makatatanggap ng ikalawang booster shot ang mga nasa hustong gulang na may immunodeficiency, HIV, cancer patient (active), sumailalim sa organ transplant, mga pasyenteng umiinom ng immunosuppressive drugs at bedridden na pasyente o may terminal illness.

Binigyang-diin ng DOH, kailangan ay hindi bababa sa tatlong buwan ang pagitan ng una at ikalawang booster.

Puwede umanong mamili ang mga magpapaturok ng bakuna mula sa produktong gawa ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac o Sinopharm para sa kanilang ikalawang booster.

Pinapayagan umanong i-administer ang ikalawang booster sa mga regular na vaccination site, medical at physician clinic, ospital, o HIV treatment hubs. Puwede rin itong ibigay sa pamamagian ng house-to-house.

Bangkay ng dating UP student lider na sumapi sa NPA, ayaw ng kuhanin ng sariling pamilya

Pinapayuhan ang mga interesadong magpa-second booster na makipag-ugnayan sa kanilang local government unit o health facility.

Inaasahang makikinabang sa nasabing booster shot ang 690,000 indibidwal.