Dinumogng mga residente ng Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City ang pambato ngSerbisyo sa Bayan Party (SBP) sa pagka-kongresista na si Arjo Atayde nitong Lunes ng umaga.

Pasado 10:00 ng umaga nang sumugod si Atayde sa Sitio San Roque 1 at 2, kasama ang mga supporters nito at sinuyo nito ang mga botante na subukan naman siyang ihalalan sa District 1 ng lungsod.

Nangako rin ito na tutulungan ang mga naapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) at maglatag ng mga panukalang batas na mapakikinabangan ng kanyang nasasakupan sa lungsod.

Noong 2021, nagsimulang tumulong si Atayde sa kanyang distrito sa pamamagitan ng pamimigay ng 20 na service vehicles sa mga barangay ng lungsod.

Tsika at Intriga

Kylie Padilla, hiwalay na sa non-showbiz boyfriend?

Bukod dito, ipinaayos din nito ang mga basketball court sa ilang lugar sa siyudad upang mapakinabangan ng mga kabataan.

Makakatunggali ni Atayde sa pagtakbo si incumbent 1st District Rep.Anthony Peter "Onyx" Crisologo (Lakas-CMD), anak ni dating QC Rep. Vincent "Bingbong" Crisologo.