Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) George Garcia na posibleng "fake news" ang kumakalat na litrato ng isang balota sa New Zealand na walang pangalan ni presidential candidate, Vice President Leni Robredo.
Idinahilan ni Garcia, isang template lamang ang ginamit sa pag-iimprenta ng balota kaya imposible itong mangyari.
"Sokung walangcandidate sa balota, 'di lang isa ang lalabas, at least 1,000 for a batch of ballot [ID number]," paliwanag ng opisyal.
Dahil dito, maaari umanong "fake news" ang kumalat sa social media.
"Maganda po sana kung hindierasedangclustered precinct [ID]atprecincts in clusterpara malaman po kung natanggap mismo ng kababayan natin ‘yan, madali niyan pa-picturehawak ang balota na ‘yan," pagdidiin ni Garcia.
Gayunman, pinayuhan nito ang mga botanteng nakatanggap ng kahalintulad na kopya ng balota na ibalik kaagad ito sa Embahada ng Pilipinas upang maimbestigahan ito.