Kanselado na ang pinakaaabangang Presidential at Vice Presidential Town Hall Debate kaugnay ng May 9 national elections.

Inianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na sa halip na magkaroon ng debate, mag-a-adopt na lamang sila ng single candidate/team – panel interview format.

Bilang konsiderasyon anila ito sa hindi maiwasang conflict sa schedule ng mga kandidato ngayong papalapit na ang halalan at abala sa pangangampanya, at base na rin sa abiso ng kanilang partner, na Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

“The Commission on Elections, in partnership with the Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP), has announced that the concluding event of the PiliPinas Forum 2022 Series will no longer be Vice Presidential and Presidential Town Hall Debates.In consideration of the inevitable scheduling conflicts as the candidates approach the homestretch of the campaign period, and as advised by the KBP, the Comelec will now be adopting a Single Candidate/Team-Panel interview format,” paglilinaw ng Comelec.

Kinumpirma naman ni Comelec Commissioner George Garcia, ang “Comelec-KBP Pilipinas Forum 2022” ay idaraos mula Mayo 2-6.

“All will be entitled to a one-hour panel interview. If they want virtual or face to face we will adjust,” anang opisyal.

Ang forum aniya ay pre-taped at ang poll body ang magdedesisyonsa lahat, kabilang na ang editing.

Inaasahan namang maglalabas ang Comelec ng guidelines sa forum sa Martes, Abril 26.