Nagpasalamat si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa mga birthday greeting at mga volunteer na nag-organize ng kanyang birthday rally noong Sabado, Abril 23 sa Macapagal Boulevard sa Pasay City.

"Maraming salamat po sa lahat na nagpadala ng birthday greetings- sa telepono, social media, etc. Pinangarap kong sagutin isa isa gaya ng dati pero hindi na talaga kinaya sa dami. Please know that your well wishes are very much valued and appreciated. Maraming salamat po," ani VP Leni sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Abril 24.

"Maraming salamat din sa lahat na volunteers who made the rally yesterday a success- sa lahat na nagpuyat the night before para ayusin ang venue, sa lahat na naglakad papunta sa Macapagal, tumayo ng maraming oras sa init, uhaw at gutom, mga nahirapan umuwi sa kanilang bahay," dagdag pa niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Pinasalamatan din niya ang mga volunteer na nagsasagawa ng house-to-house campaign.

"Maraming salamat din sa lahat na nagpapagod para mag house to house at nakikiusap tao sa tao, puso sa puso," anang bise presidente.

"Maraming salamat sa ating volunteer entertainers na nagpasaya sa okasyon natin. Nakakataba ng puso ang kanilang pagtataya na walang hinihingi ng anumang kapalit.

"Ang maisusukli ko lang sainyong lahat ay ang pag seserbisyo ng tapat na puno ng puso at sipag. Maraming salamat po."

Sa kanyang pagdiriwang ng ika-57 na kaarawan kahapon, bago magtungo sa Pasay City, nagpunta muna ang bise presidente sa Maguindanao para sa endorsement ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanya. Ito ang kauna-unahang nag-endorso ng presidential bet ang grupo.

Photo courtesy: VP Leni Robredo/FB