Katulad ng mga nakalipas na campaign sorties, kung saan ang mga ordinaryong Pilipino at manggagawa ang nagtaas ng kamay ni vice presidential aspirant Francis "Kiko" Pangilinan bilang simbolo ng suporta, gayundin ang ginawa ng mga security guards sa Cavite nitong Linggo, Abril 24, 2022.

Sinamahan ng mga security personnel si Pangilinan matapos ang kanyang talumpati sa ika-36 na anibersaryo ng Corporate Protection Services Philippines, Inc. (CORPS) upang itaas ang kanyang mga kamay, na nagbibigay ng suporta sa kanyang vice presidential bid.

Nagpahayag ng suporta ang grupo ng mga security guards mula sa CORPS at National Association of Professional Security Officers and Guards (NAPSOG) kay Pangilinan dahil naniniwala sila na sa ilalim ng kanilang pamumuno ni Robredo, sa wakas makikilala ang kanilang kahalagahan sa lipunan.

"Alam natin na ang security guard sector ay hindi kinikilala, laging mababa ang tingin sa ating mga security guard. Pero darating ang administrasyon, ang gobyerno na ‘to na darating sa tulong n’yo, makikilala tayo," ani NAPSOG President Buddy Robrigado.

“Ngayon tumataya tayo sa bagong gobyerno, gobyernong malinis at tapat, lalo tayong lalago dahil ito lang na darating na gobyernong ito ang nag-rerecognize sa kahalagahan ng sektor ng security guard," dagdag pa niya.

Ayon kay Robrigado, na nagtatag ng NAPSOG, ang kanilang organisasyon ay nasa 10,000 miyembro sa buong bansa.

Sinabi niya na ang tandem nina Robredo at Pangilinan ang tanging tiker na kumilala sa kanilang sektor sa kampanyang ito, kaya ang sinusuportahan nila ang dalawa