May paalala sa mga aspiring beauty queen ang kilalang Filipino designer na si Edwin Uy ngayong pageant season na naman.
Sa pag-arangkada ng kabi-kabilang screening kabilang ang Binibining Pilipinas, Miss World at ang nalalapit nang coronation para sa Miss Universe ngayong taon, isang paalala mula kay Uy ang nais na malaman ng mga naghahangad na rumampa sa pageant scene.
“Pageant season is on. So many beautiful girls pero sobrang dami din yun over sa retoke,” sabi ng fashion designer sa isang Facebook post kamakailan.
Habang naniniwala ang fashion designer na hindi masama ang pagpapa-ehnace dahil naging trend na ito sa industriya, dapat aniya’y natural pa rin at hindi “over sa gawa.”
“It must still look natural. Sobra na sa tangos at nipis ng ilong yun pagkakagawa sa iba , then yun veneers, over na sa laki ng ipin,” partikular na ayaw ng designer na resulta ng retoke.
Paalala ni Uy, “Girls, just want you to know that many judges prefer a feminine natural looking beauty so be careful lang with too much and too exaggerated enhancements kasi hindi sya talaga nakakaganda.”
Kilala si Uy sa kanyang intricate and classy bridal, debut at evening gowns sa mga pageant. Siya rin ang nasa likod ng Edwin Uy House of Couture.